Luha

October 31, 2005

Sa bawat patak ng mga luha

unti-unti kong nakikita

ang mga pangyayaring

umaalpas sa aking mga kamay.

Mga gunitang hindi mapigilang

tila lumalayo sa aking kamalayan.

Sa bawat patak ng mga luha

unti-unting naagnas

ang pagkatao kong

tila upos ng sigarilyong

lumilipad sa hanging

walang patutunguhan,

tila kandilang nauubos

sa tindi ng init ng apoy

na pumapatay sa aking kalooban.

Ang mga luha’y papatak

at unti-unting matutuyo.

Ganundin ikaw,

unti-unting lumalayo.

At ako,

unti-unting nilalamon

  ng dugo…

Leave a Reply