Naaalala mo pa ba?
February 10, 2006
Kamusta ka na kaya?
Naalala mo rin kaya ako pag minsang madilim
at wala kang ka-yosihan?
Naalala mo rin kaya ako pag naabutan ka ng ulan sa daang
walang payong at nakikisilong lang?
Naalala mo rin kaya ako pag friday
at wala kang magawa? (Bakit friday ba ngayon?)
Kinakabahan ka din kaya sa twing may makikita kang
kahawig ko pag nakatalikod, at pag humarap na’t di ako ay napapabuntong hininga ka?
Naalala mo rin kaya ako sa twing may pagbubuksan ka ng pinto?
Naalala mo pa kaya kung pano mo ako asarin na ang liit liit ko?
Naalala mo rin kaya ako pag wala kang makausap ng matino?
Naalala mo rin kaya ako pag minsang walang makaintindi sayo
at iniisip mo kayang sana anjan na lang ako?
Naalala mo pa kaya ako bilang ako?
Leave a Reply